Sabi nung nagbabantay doon ay dumating na daw. Dalhin ko na lang daw yung laptop ko para ma-test yung battery.
So umalis ako at kinuha ko yung laptop ko.
Pagbalik ko sa shop nila, kinuha na niya yung battery. Nang nakita ko ang battery na-disappoint ako dahil hindi pala galing sa Toshiba yung battery.
Nagreklamo ako kung bakit hindi galing sa Toshiba yung battery. Sabi nung nagbabantay ay "replacement" lang daw itong battery so hindi talaga katulad ng original.
Ito yung picture ng original (nasa itaas) at nung "replacement" (nasa ibaba):
At ito yung picture ng resibo para naman hindi sasabihin ng mga nagbabasa na nagsisinungaling ako:
Tapos nung nilagay na yung battery sa laptop, hindi fit, medyo maluwang. Parang nagba-bounce-bounce.
Gusto ko sanang hindi na lang itutuloy yung pag-purchase. Pero dahil may 6 months warranty naman daw e sabi ko na lang sa sarili ko na titingnan ko na lang kung ok ba ang performance ng battery.
So dinala ko na lang yung battery.
Sa first 3 days, palaging 100% yung battery status na nirereport sa screen ko kahit sobra ng 30 minutes nang hindi naka-charge.
Plano ko sana na ito yung gagamitin kong dahilan para ibalik ang battery at makuha ko yung ibinayad ko.
Pero dahil nawala naman after 3 days e binalewala ko na.
Pero hindi umaabot ng 4 hours or 3 hours yung battery ay nade-drain na. Parang 1.5 hours lang yata drained na.
Yun lang :)
I just hope hindi makakasira nga laptop itong battery na nabili ko. hehe
Ang nirereklamo ko lang ay yung pag-gamit ng term na "replacement. "Replacement" din yung ginamit na term noong time na nag-order ako about a month before dumating yung order ko. Akala ko naman yung meaning ng "replacement" ay "tulad ng original".
Gusto ko lang sanang magrequest sa mga laptop repair shops na i-explain na hindi talaga galing sa manufacturer ng laptop ang "replacement" battery na ipinagbibili nila para makapag-decide nang maayos ang customer. :)
Thank you!
I hope hindi kayo magagalit :)
Isinulat ko lang ito para kung sakaling itong battery ang magiging dahilan ng pagkasira ng laptop ko tulad ng nasa mga picture sa article na "Danger: Why You Shouldn’t Buy Cheap Third-Party Batteries For Laptops or Smartphones" ay may masisisi ako hahahaha.
I hope hindi kayo magagalit :)
Isinulat ko lang ito para kung sakaling itong battery ang magiging dahilan ng pagkasira ng laptop ko tulad ng nasa mga picture sa article na "Danger: Why You Shouldn’t Buy Cheap Third-Party Batteries For Laptops or Smartphones" ay may masisisi ako hahahaha.
Update:
Well, mabilis umiinit yung battery. After a few months, bigla na lang namamatay yung fan ng laptop ko, at of course bigla din namamatay yung laptop.. tapos napansin ko may bukol yung battery. Pina-tingnan namin sa technician. Sabi ng technician, sira yung board. :(